Masyadong Dinamdam Ni Don Mariano Ang Ginawang Pagtatanan Ng Anak Kaya2019t Nagawa Niya Itong Itakwil. Palibhasa2019y Ama, ______ Napatawad Niya Rin I

Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya't nagawa niya itong itakwil. Palibhasa'y ama, ______ napatawad niya rin ito. Anong panandang pandiskuro ang angkop sa patlang?

a. sa wakas
b. pagkaraa'y
c. sa dakong huli'y
d. pagdating ng panaho'y

Answer:

c. sa dakong huliy

Explanation:

Ang kohesiyong gramatikal na angkop sa pahayag na, Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya't nagawa niya itong itakwil. Palibhasa'y ama, ______ napatawad niya rin ito ay sa dakong huliy. Sapagkat nagpapakita ito ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari mula sa simula hanggang sa matapos ang pangungusap na nagpapakita ng panandang pandiskurso.  

Nagbibigay-linaw at nag-uugnay ng mga kaisipang inilalahad sa isang teksto o diskurso ang panandang pandiskurso. Maaari ding maghudyat ito ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari Karaniwang kinakatawan ito ng mga pang-ugnay o pangatnig.  (Badayos.2006)

Ginagamit ang mga panandang pandiskurso upang ipakita ang pagbabago ng paksa, pagtitiyak, pagbibigay halimbawa, opinyon, at paglalahat.  Gayundin mapapansin na  hinahati nito ang mga bahagi ng pahayag at ipinapakita ang relasyon ng mga ito. (Abad, 2004)

Halimbawa:

1. Nagpapakita ng pagkakasunud-sunod, o nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon

Hal. at, saka, pati at bukod pa

--- Minamahal niya ang kanyang bayang tinubuan sapagkat doon niya na silayan ang tunay na buhay bukod pa doon sa bayan din na yaon una niyang napagtanto na kinakailangang magsikap para sa ikauunlad.

2. Sa Panahon

Una                              kasunod nito                 noong una

Pagkatapos                  di-naglaon                     habang

Mayamaya                    pagkalipas                    pagkaraan

Minsan                          hanggang                     samantala

------ Kinakailangan kong hanapin ang aking sarili upang sa aking pagbabalik ay mapagtanto ko ang aking tunay na hangarin at sana hanggang sa kaya ko na muling magmamahal ay manatili kang naghihintay sa aking pagbabalik.

3. Sa Pook

Sa unahan                     sa harapan                    sa likod

Malapit sa                     sa kaliwa                       sa kanan

Sa ibabaw                     sa ilalim                        sa tagiliran

----- Sa bawat lugar na aking pinupuntahan baon ko ang mga alaala na ating pinagsamahan sa tagiliran ng punong yaon tayo unang nagkakilala at nangarap na magkasama.

4.Nagpapakita ng kinalabasan o kinahinatnan,

Tuloy                sa wakas                      kaya

bunga nito        kung gayon                   sa dakong huli

kaya naman      samakatuwid                 sa gayon

dahil dito

--------Dahil dito maaaring maraming tao ang magdusa at makaranas ng labis na kahirapan sa buhay.

5. Nagsasaad ng pagtutulad o paghahambing

Tulad                kapwa                           gaya

Para                 mandin                         tila

---------- Minamahal kita tulad ng pagmamahal ko sa aking inang bayan.

6. Pagdaragdag

Muli                  rin

Kasunod           at                     pangalawa

-----------Sa bawat paghagupit ng alon at pagdating ng unos muli akong babangon upang maipakita sa iyo na magigi akong matatag sa kahit anong hirap na aking kakaharapin sa buhay.

7. nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay

Maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa–  

------ Ang bawat isa sa inyo ay may kanya kanyang kakayahan at kaalaman bukod sa pagguhit gamit ang imahinasyon.

8. Pagkakaiba, konsesyon, at bahaging pagbabagong lahad

Subalit              samantala                     bagama't

Ganuman          kasabay ng                   siyempre

Natural              marahil                          saa kabilang banda/ dako

---------Ikaw ang aking minamahal subalit masakit sa akin ng malaman kong mayroon na palang nagmamay-ari sa iyo.

9. Pagpapasidhi o pagtitiyak

Walang duda     tunay                sa katunayan

-------Walang duda totoong maganda ang kanyang mga naisulat na Obra Maestra na sadyang nagpapakita ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

10.  Madalas sa pagpapahayag ng kagustuhan ginagamit natin ang mga salitang: hangad, gusto, nais, nasa, mithi, pangarap, asam, sana, kung pwede, maaari, tuwa ko lang, hanggat maaari, dumadalangin, nananalangin, umaasam.  

---- Hanggad kong maging mabuti tayong magkaibigan anumang unos ang dumaan. code: 10.1.1.1.

brainly.ph/question/458497

brainly.ph/question/479012

brainly.ph/question/787709


Comments

Popular posts from this blog

Introduce The Term Atmosphere.

A Function F Is Given By F(4x-1) = 4x2+5. Evaluate F(15).

Who Were The Two Scientists Who Proposed The Theory Of Seafloor Spreading In The Early 1960s?, A. Charles Darwin And James Hutton, B. Harry Hess And R